Tuesday, October 8, 2013

That's My Tomboy: Oct 7 Contestants

Last Monday, a segment of the noontime show It's Showtime entitled "That's My Tomboy" was launched and made a trending premiere. Nagtrend ang #ThatsMyTomboy sa Twitter worldwide nung monday. It was obviously a title rip-off from Eat Bulaga's That's My Boy but this is an entirely different competition. 

Read Trending Pilipinas post on That's My Tomboy to know more.


Rejoice "Phao" Faraon - That's My Tomboy ng Malabon City

"Tomboy man ako sa inyong paningin pero mas gwapo pa 'ko sa ibang lalaki kung tutuusin." 

Isang malaking check ka dyan brad! Sabi nga nila Billy and Vhong, Daniel Padilla daw ang dating! Gwapo naman talaga. Undeniable. Di mo aakalaing sobrang attached siya sa kaniyang feminine side at pinili pang mag-Hawaiian dance nang nakalabas ang pusod. 

Sa sobrang gwapo nya, sumali na din daw siya sa isang school competition saan kahit puro lalaki ang kalaban niya eh nakuha nya pa din maging 1st runner-up. At kung katulad kayo ng karamihan ng mga kababaihang madlang pipol na nagtilian at kinilig nung pinapanood siya, pwede na din kayong kiligin ngayon kasi wala daw siyang girlfriend.

What I adore the most about her is her sincerity sa pagsagot niya sa question na hindi niya sinasara ang pinto sa pagiging babae dahil babae pa din siya at hindi niya tatalikuran kung saan siya nanggaling. Very open din siya sa pagsagot ng OO sa tanong kung pwede ba siyang magka-boyfriend.

You can watch her video here: 

Kim Claudine "Kim" Andaya - That's My Tomboy ng Mandaluyong City

"Di man ako kasing gwapo ng tatay nyo, 'sing macho ng kuya nyo, malay nyo ako pala ang ate nyo."

Yan ang kasabihan ng T-Boom cutie na si Kim na nagpakita ng kanyang malupit na dance moves sa mga Showtimers last October 7. Kitang kita yung kilig sa mga madlang girls habang pinapanuod siyang sumayaw. Kahit mga showtime dancers tumitili at nagpapacute sa kanya.And just like the first contestant, wala din siyang girlfriend pero nagkaboyfriend siya once upon a time, nung 14 years old siya.

She still admires and appreciate guys At nung tanungin na kung sino ang gusto niyang maging kung isa na siyang ganap na lalaki, si Billy Crawford ang sinagot niya dahil daw sa ganda ng smile nito at lakas ng appeal nito sa mga babae. 

You can watch her video here:
Pareho silang nanalo nung Monday competition with Jhong Hilario, Miss Supranational Mutya Datul, and Renee Salud as judges.

Follow That's My Tomboy on Twitter: @TMTomboy

No comments:

Post a Comment